LIFE STARTS AT 18: The Making of me wasn't gentle
WRITTEN BY: MARIELLE LOUISE O. MACTAL | JANUARY 21, 2026
Sabi nga nila, pag dating mo ng labing-walong taong gulang duon mo mararanasan ang tunay na buhay. Ang aking buhay ay hindi tulad ng mala fairytale na kwento na ating napapanood sa mga pelikula o tele-serye bagamat ito ay may halo-halong emosyon tulad ng drama, lungkot, at ligaya. Labing walong taong gulang lamang ako nang maramdaman ko ang biglang bigat ng mundo. Dito nagsimula ang yugto ng aking buhay na hindi puro pangarap at laro kundi may mga desisyong may bigat at responsibilidad. Ngunit sa kabila niyo ay ito ay puno ng aral, kwento, at pag-asa.
A childhood spent longing for love
Mula nung ako'y bata, ako ay malayo na sa aking mga magulang. Ako ay nakatira sa bahay ng aking lola at siya ang tumayo na aking nanay. Bata pa lamang, naghahanap na ako ng aruga ng aking nanay at tatay gaya ng nakikita ko sa aming paaralan noong ako ay nasa elementarya na kung saan ang aking mga kaklase ay hatid-sundo ng kani-kanilang mga magulang. Sa tuwing nakikita ko silang may yakap at halik bago pumasok sa silid-aralan, hindi ko maiwasang magtanong sa aking sarili kung kailan ko rin mararanasan ang ganitong uri ng pagmamahal. Lumaki ako nang walang sama ng loob sa aking mga magulang, ngunit ang aking puso ay patuloy na naghahanap ng aruga mula sa aking nanay at tatay, na para bang may puwang sa aking buhay na hindi mapunan ng kahit anong bagay. Gayunpaman, sa kabila ng kakulangang iyon, napuno naman ang aking pagkatao ng walang sawang pagmamahal mula sa aking lola na siyang naging aking sandalan, tagapag-alaga, at naging gabay sa bawat yugto ng aking paglaki. Sa kanyang pagmamahal ko unang naramdaman ang salitang "greatest love" dahil simula nasa sinapupunan pa lamang ako ng aking nanay siya ang nagsabi na huwag ako ipalaglag dahil ako ay isang blessing mula sa diyos. Labing walong taong gulang lamang ang aking nanay ng ako ay kanyang ipinagbuntis kung kaya't siya ay hindi pa handa maging ina at pumasok sa kanyang isipan na huwag ako buhayin sa mundong ito. Ang aking lola ang siyang patunay na simula ako'y nasa sinapupunan pa ay handa niya akong tanggapin ng buo at ng may pagmamahal.
Choosing Family Over Dreams
Noong tumungtong ako ng labing-walong taong gulang natuto na akong tumayo sa aking sariling mga paa. Naturo akong dumiskarte sa mga bagay na kailangan at gusto ko bagamat nagkaroon na ako ng malapit na relasyon ko sa aking mga magulang bago pa man ako tumungtong sa ganong edad sila ay sumusuporta na sa akin. Natuto pa rin akong gumawa ng paraan kahit sa simpleng bagay upang makatulong sa kanila. Bago pa man pumasok ang ika-labing-walong kaarawan ko, ako ay sinubok na ng panahon. Dumating ako sa desisyon na mabigat at ang hirap pagdesisyonan "mag-aaral ako sa australia" o "kukunin ko yung kurso na hindi ko naman gusto" nung panahon rin na iyon ang lola ko ay nagkasakit ng breast cancer, ang lolo ko naman ay na-stroke at ang lolo ko na isa na nasa amerika ay namatay na nagpagulo sa aking isipan. Dahil di ko kayang iwan sila habang ako ay nasa ibang bansa kasama ang ibang tao. Sila ang tumayong mga magulang ko noong ako ay nangungulila kaya naman hindi ko basta-basta sila maiwan lalo na at ganon ang kanilang kondisyon dito sa pilipinas. Dumating ako sa punto na araw-araw ko ng tinatanong ang sarili ko kung ano nga ba talaga ang aking direksyon sa buhay. May mga araw na hindi na ako nakakatulog kaka-isip sa desisyon na iyon at hindi na kinakaya ng aking isipan. Dumating sa punto na gusto ko ng magpakonsulta sa doktor dahil sa hindi ko na maintindihan ang mga bagay na naglalaro sa aking isipan. Naapektuhan na rin ang pamumuhay ko sa araw-araw kakaisip sa bagay na iyon. Pinili ko ang "kurso na hindi ko naman gusto" ang kurso na tinatahak ko ngayon ay gusto ng aking mga magulang. Pangarap ko talaga maging isang ganap na doktor ngunit sabi nila ay ito ay tatagal ng ilang taon at kailangan ng maraming pera. Bata pa lamang, hindi ko na alam ang gusto kong kurso pero gusto ko yung nakakatulong ako sa ibang tao at sa tingin ko sa kurso at paraan na iyon ay aking magagawa. Ngunit may mga bagay talaga sa ating buhay na hindi siguro para sa atin. Pinili ko makasama ang mga mahal ko sa buhay sapagkat nais ko na makasama ko pa ang aking lolo't lola na siyang gumabay sa akin simula bata. Hindi ko kaya na nasa ibang bansa ako at sila ay nasa pinas na nahihirapan. Alam ko rin na sa panahon ngayon ay mas kailangan ako ng aking lolo't lola dahil alam ko na isa ako sa kanilang lakas at nagbibigay ng rason upang lumaban sa buhay. Mas pinili ko na isakripisyo ang aking personal na interes dahil gusto ko na makasama ko sila habang may panahon pa. Dahil naniniwala ako na darating din ang araw na kung gugustuhin ko man lumisan ng pilipinas ay mangyayari iyon sa tamang panahon at "kung para sa akin ay para sa akin".
Learning to Heal While Moving Forward
Sa ngayon, nasa proseso pa rin ako ng paghilom sa aking mga sugat. May mga araw na mabigat pa rin ang pakiramdam at may mga alaala na bigla na lamang bumabalik. Unti-unti kong natututunan na tanggapin ang mga pinagdaanan ko at ang mga desisyong aking ginawa, kahit hindi madali. Hindi ko na minamadali ang aking sarili, dahil alam kong ang paghilom ay may sariling panahon. Sa bawat araw na lumilipas, natututo akong maging mas matatag at mas unawain ang aking sarili. Hindi ako nagsisisi sa aking desisyong ginawa dahil ito talaga yung sinasabi ng aking puso ko. Bagamat minsan ay hindi ko na kinakaya ang aking kurso dahil minsan may mga panahon na gusto ko sumuko at huwag mag-aral. Nananaig pa rin sila sa puso ko na sila ang rason ko kung bakit ako nagpapatuloy at bakit ako lumalaban sa buhay. Sila ang tanging lakas ko mula noon, hanggang ngagyon. Pinili kong isakrispisyo ang mga pangarap ko para sa kanila gaya ng pagsasakripisyo nila noong bata ako upang mabuhay. Natututuhan ko rin na hindi masama ang humingi ng tulong o huminahon sa sarili kapag hindi ko na kaya ang bigat ng damdamin. Naniniwala akong sa paglipas ng oras, kasabay ng pag-unawa at pagtanggap sa sarili, ay darating din ang kapanatagan at lakas upang magpatuloy, harapin ang hinaharap nang may pag-asa, at unti-unting punan ang puwang ng pangungulila sa mga taong mahal ko. Habang tayo ay nabubuhay tayo ay may pag-asa na baguhin ang takbo ng ating buhay. Matutong magpatawad at humingi ng tawad dahil ito ay nagiging daan upang mas magkaroon ng payapa at masayang buhay. Sulitin natin ang mga panahon na kasama natin ang ating mga mahal sa buhay dahil hindi natin alam kung hanggang kailan lamang sila sa mundong ito. Ang mga bagay na ito ay nakatulong upang malabanan ko ang lungkot at upang mapagaan ang aking nararamdaman: